tagged by

1. i fly; because I'm a butterfly. (whatever)
2. i love eating fruit jellies and
3. drinking milk...naah
4. i always play my guitar before i sleep. tinapay.
5. sometimes i think of my self holding a fishing rod while sitting on a swirly
cloud...and then i'll smile.
6. i undergo a process called combustion.
7. up up down down left right left right b a b a select start. i have 30 lives.
8. hello. i am angelo, aka chroma-utek.
9. wer na u? d2 na me. i love studying my lessons. die zamora. die.
10.ukinam. uhmm.. repeat chorus until fade.
Follow these directions:
1. Post these rules.
2. Each tagged person must post 10 things about themselves on their journal.
3. At the end, you have to choose and tag 10 people and post their icons on the same journal.
4. Go to their pages and send a message saying you tagged them.
5. No tag-backs.
i tag you! you.. yes you..
PANAGINIP PARA SA GISING--
nanaginip ako kagabi.
maniwala ka, nanaginip ako. kagabi.
babala: wag nang magtangakang tumuloy pa sa pagbabasa... mapanganib!
"ok class, mag-eexam na tayo ngayon mismo."
sabay labas lahat ng mga classmates ko ang mga bolpen at papel nila...na pang kinder.
lumingon ako sa paligid, lahat sila classmates ko nung kinder at may ilan sa elementary at high school.
sa panaginip ko, kinabahan ako. dahil alam kong di ako nakapagreview. kung anu man yung i-tetest namin, wala akong alam.
nang basahin ko ang mga nakasulat sa papel na mula kay mam, wala itong laman. blanko. liningon ko ang isa kong classmate, at nakita syang nakangiti habang
sumasagot sa kanyang papel.
nang pasimple kong tignan ang kanyang sagot, walang laman ang kanyang papel. patuloy parin sya sa pagsulat; gamit ang
bolpen nyang di nagsusulat....
nakangiti sya at kampante.
nagtaas ako ng kamay.
"yes?"
"ma'am hindi ko po maintindihan ang exam. bakit blank?"
nagtawanan ang buong klase.
"hahahaha... pinag-aralan na natin yan noong 2012!"
"ayun yung sagot o! ayun o!"
"tanga."
"hahahahahahahaha!"
"nasa harap yung sagot! nasa loob ng kahon!"
kahon? sabay tingin ako sa harap, biglang may box!
isang box na naka-lock.
"naka-lock yung sagot sa kahon?!"
wala silang sagot.
sumigaw ang guro, "buksan mo yung kahon! leche!"
sinubukan kong buksan kahit naka-lock. pero ayaw mabuksan. kasi nga naka-lock. leche.
"mam naka-lock e."
"kaya nga buksan mo! istupidomono!" mas malakas pa sa unang sigaw.
"naka-lock nga e.." pabulong ko sa sarili...
pinwersa kong buksan pero ayaw parin mabuksan.
"mam, pano po ba buksan 'to?"
nawala ang titser;
biglang naglaho.
nagdilim ang paligid.
"asan ako?"
...
...
nakakita ako ng maliit na liwanag; isang butas. sumilip ako.
nakita ko ang mga classmates kong sumasagot sa exam.
naisip ko nasa loob ako ng box.
inisip ko kung ako ba ang sagot.
narinig ko ulit ang sigaw ng titser,
"buksan mo yung kahon! leche!"
"naulit ang mga pangyayari" tanong ko sa aking isipan..
naisip ko may isa pang ako sa labas ng kahon, kaya sumigaw ako.
"ikaw din ang nasa kahon!"
"sinong kinakausap mo?" boses ng isang classmate.
"ambagal mo naman! nasa box na yung sagot!"
"hindi ko nga mahanap!"
wala talaga akong mahanap. madilim, at tila walang laman ang box kundi hangin.
naisip ko, ako lang ang laman ng box..
wala nang iba! siguro nga ako ang sagot.
pinilit kong buksan ang box...
matagal bago ko pilitang nasira ang lock sa kapwepwersa..
"ok class, pass your papers!" sigaw ng titser
"teka mam! di ko pa..."
"ok na yan!" sigaw ulit ng titser
"mam wala pa akong sagot, isusulat ko muna..."
"perfect ka na!" sigaw ulit.
"mam,panong perfect e wala pa nga akong sagot na nai..."
"may tanong ba ako?" mas malakas pang sigaw.
tapos biglang ako daw si vincent ng ghost fighter sa loob ng family computer..
unang stage tinalo ko si pikachu.
"gelo! gelo! may pasok ka diba?"
"ssshhhsshhsss...
...
...
...
...
...sshit!"
--
\"There are painters who transform the sun into a yellow spot, but there are others who, thanks to their art and intelligence, transform a yellow spot into the sun.\" -Picasso
--
Type of art you think dominates your DA Favourites/Collections (SURVEY): [link]
--
blah..blah..blah...
--
"Where the spirit does not work with the hand there is no art." - Leonardo da Vinci
--
daaaw it's so cute it made me want to puke rainbows
---
If I lay here If I just lay here Would you lie with me and just forget the world?
thank you for the fav! "stock"
--
I exclaim to the dead person, but the dead person wasn't listening...
--
Inspire and be inspired
Previous Page12345...Next Page